Sam Milby At Catriona Gray Sa Australia Magpapakasal!

Martes, Abril 11, 2023

/ by Lovely


 Nagbakasyon ang mag-fiancee na sina Sam Milby at Catriona Gray sa Japan nitong nagdaang long weekend sa paggugunita ng Holy Week.


Sa isang social media post, ibinahagi ni Catriona ang kanilang sweet photo kalakip ang caption na ito ang kauna-unahang trip nila abroad bilang engaged couple.


“Our first trip as an engaged couple exploring the city of Tokyo.  @samuelmilby.”


Marami naman ang kinilig sa larawan nilang dalawa lalong-lalo na ang kanilang mga tagahanga na excited na rin sa kanilang pagpapakasal.


Samantala, kinumpirma na nina Sam Milby at Catriona Gray na magaganap ang kanilang pag-iisang dibdib sa Australia upang makadalo ang ama ni Catriona na nakabase na roon.


Madali lamang din ito sa mga kamag-anak ni Sam Milby na nasa Ohio United States naman.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo