Sachzna Laparan at Jerome Ponce Naghiwalay Na, Tanong Ni Sachzna Saan Siya Nagkulang?

Biyernes, Abril 7, 2023

/ by Lovely


  Marami ang nagulat na mga netizens sa napapabalitang hiwalayan ng celebrity couple na sina Jerome Ponce at Sachzna Laparan.


Sa isang vlog na ibinahagi nila nito lamang April 5, na pinamagatang Docuweek, inamin ng dalaga ang kanyang pinagdadaanan.


“Actually, yung week na ipinakita ko sa inyo, parang mga nasa twenty or thirty percent pa lang yan. Ang dami kong ginawa while in pain and struggle,” pagsisiwalat ni Sachzna.



Narealize din umano niya nitong mga nakalipas na linggo na hindi lahat ng tao ay mananatili sa iyong tabi. Kaya naman dapat umanong ihanda ang sarili sa maaring mangyari.


Bagama't hindi naman hayagang inamin ni Sachzna kung ano ang kanyang pinagdaanan, tila nagbigay naman siya ng ilang clue base sa mga clips na kanyang ibinahagi.


“Hindi ko mailabas through social media na dini-deal ko sa sarili ko while doing my own things like work… Pero mas strong siguro na Sachzna yung ngayon, yung makikita niyo. Makikita niyo na mas focus ako sa sarili ko,” saad pa ng dalaga.


Sa huli nagbigay naman siya ng kanyang mga natutunang aral sa kanyang pinagdadaanan ngayon.


“Magtira ka palagi sa sarili mo. Kasi at the end of the day, sarili mo lang yung nandiyan para sa yo at siyempre family mo.


“Naniniwala ako, step by step, magiging okay ka rin soon. Not now, but soon, magiging okay ka rin. Sobrang positive ako ngayon. Naniniwala ako na I’ll be okay again soon. Hindi habang buhay ganito ako,” mensahe ni Sachzna.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo