Ryzza Mae Dizon Goodbye Eat Bulaga! Papalitan Ng Mga Jalosjos!

Biyernes, Abril 28, 2023

/ by Lovely

Usap-usapan ngayon sa ilang mga online news outlets ang balitang ninanais ng mga executives ng Television and Production Exponents Inc. (TAPE Inc.) ang pagpapatanggal nila kay Little Miss Philippines 2012 na si Ryzza Mae Dizon.


Ayon sa pagsisiwalat ni Tito Sotto ninanais na ng panibagong namumuno ng TAPE Inc. na palitan ng ibang bata si Ryzza Mae na matagal nang child host ng Eat Bulaga.


Ang mga Jalosjos ay nakabase sa Dipolog kaya naman hinuha nina Tito Sotto na ang ipapalit kay Ryzza Mae ay mula rin sa Dipolog.


Inalmahan naman ito ni Tito Sotto at ipinuntong mas mabuting manatili sa Eat Bulaga si Ryzza Mae. Hiling na lamang ni Tito na magdagdag na lang ibang bata para ipares kay Ryzza Mae sa show.


“They wanted to remove si Ryzza. Gusto palitan ng ibang bata na taga-Dipolog. Kung isang bata lang naman, okay lang, pero ‘wag nilang aalisin si Ryzza,” pagsisiwalat ni Tito Sotto.


“Kasi ‘yung gusto nilang i-promote na bata, pwede ngang matulungan ni Ryzza ‘yun eh, pwedeng maging ka-tandem, mas madaling sumikat,” dagdag pa nito.


Agad namang nagulat ang mga netizens sa pagsisiwalat na ito ni Tito Sotto dahil buong akala ng lahat na may maayos na relasyon si Ryzza Mae sa TAPE Inc.


Matatandaang nakaroon pa si Ryzza Mae Dizon ng sariling show, under TAPE Inc.


Si Ryzza Mae Dizon ay unang nakilala nang sumali siya sa Little Miss Philippines noong 2012. Mula noon ay hindi na naalis sa Eat Bulaga ang si Ryzza Mae.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo