Rochelle Pangilinan Isiniwalat Ang Totoong Dahilan Ng Biglaang Pagkawala Ng 'Sexbomb' Sa Eat Bulaga!

Huwebes, Abril 6, 2023

/ by Lovely


 Binalikan ng actress-dancer na si Rochelle Pangilinan sa podcast ni Nelson Canlas ang dahilan ng biglaang pagkawala noon ng grupo nilang Sexbomb sa noontime show na Eat Bulaga.


Ayon kay Rochelle naipit sila sa bangayan ng kanilang manager at ng dating executive ng show kaya biglaan na lamang silang hindi sumipot sa show.


Nasa taping umano sila sa seryeng “Daisy Siete” nang ipinaalam sa kanila ang pagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan ng dati nilang manager na si Joy Cancio at dating producer na si Malou Choa Fagar.


Hindi na umano naayos ng dalawa ang gulo sa pagitan ng mga ito kaya hindi na nila alam kung ano ang gagawin.


Nalito umano sila kung pupunta ba pa sila sa Eat Bulaga o hindi na bilang pagrespeto sa kanilang manager.


Nag-absent umano sila ng isang araw at nagkasundo na maging professional at pupunta sa show pero papatayin nila ang kanilang cellphone upang hindi makausap ng kanilang manager.


Subalit, may isa sa kanila ang nalimutang gawin ito kaya naka-usap ng kanilang manager na naging dahilan ng pagka-udlot sa kanilang pagpunta sa show.


“Tumawag si Lola tapos umiiyak na ‘Ano sa tingin niyo?’ E siyempre naawa si ano... kami e 'di hindi na rin kami um-attend.”


Inamin naman ni Rochelle na pinagsisihan niya ang naging desisyon na iyon dahil dapat umano'y naging professional na lamang sila.


“Dapat naging professional pa rin kami. Siguro hindi sumama loob sa amin ng side ng Eat Bulaga, 'yung ganu’n ang feeling.  Kasi for sure sumama ang loob nila sa amin after that incident.”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo