Rendon Labador, Pinuna Ang Float Parade Para Sa Pelikula Ni Coco Martin, Dahilan Daw Ng Traffic!

Lunes, Abril 3, 2023

/ by Lovely


 Sa kabila ng pambabatikos na kinakaharap ng motivitional speaker at negosyanteng si Rendon Labador dahil sa pambabanat niya sa aktor na si Coco Martin, tila hindi pa rin ito nadadala at naglabas pa ng panibagong banat ngayon.


Sa pagkakataong ito, pinuna ni Rendon Labador na nagdulot ng traffic sa kahabaan ng EDSA dahil sa kanyang float sa naganap na parade of stars para sa Summer MMFF.


“Puro abala talaga ginagawa ni Coco Martin, kaya pala sobrang traffic #StorboSaEdsa,”  pagrarant ni Rendon Labador.


Magbubukas simulan ang summer MMFF sa darating na Abril 8-18, 2023.


Agad naman itong pinutakte ng mga fans ng aktor at sinabing muli na namang nakikisawsaw itong si Labador.


“Tag-init ngayon. Huwag mong kakalimutang uminom ng tubig para maiwasan mo ang pagkauhaw sa atensyon.”


“Masyado kang inlove kay Coco. sya lagi mong nakikita.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo