'Regalo' ni Kiray Celis Na 1 Million Sa Ina For The Content Lang?

Miyerkules, Abril 19, 2023

/ by Lovely


 Iniintriga ngayon ng ilang mga netizens ang pagbibigay ng 'regalo' ni Kiray Celis sa kanyang ina.


Ayon sa ilang mga netizens na ginamit lamang ni Kiray ang pagbibigay ng regalo sa kanyang ina upang makakuha ng malaking views at maraming reaction sa kanyang vlog.


Matatandaan na kamakailan lamang ay ibinahagi ni Kiray Celis sa kanyang vlog ang pagbibigay niya ng regalo sa kanyang ina na umabot sa isang milyon.


Makikita pa sa vlog na labis na natuwa at nagulat ang kanyang ina sa kanyang ibinigay na regalo.


Gayunpaman, may ilang mga netizens na tumaas ang kilay sa ginawa ni Kiray dahil tila nagpapapansin lamang umano ito at ginawa ang vlog upang makakuha ng views.


Kaya naman kaagad na nilinaw ni Kiray na walang katotohanan ang isyu at hindi niya ginawa ang pagbibigay ng regalo sa ina para lamang sa views.


Ipinahayag pa ni Kiray na matagal na niyang pinag-iipunan ang perang iyon bilang pag-surpresa sa kanyang ina.


Dagdag pa ni Kiray na para naman sa kanilang pamilya ang paggagamitan ng kanyang ina sa pera.


Gagamitin umano ng ina ang pera sa pagpapatayo ng kanilang bahay sa loteng una na niyang naibigay rito.


“Kasi matagal na nakatengga ‘yung bakanteng lote na binili ko rin po sa kaniya,” saad ni Kiray. 



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo