Reaksyon Ni John Estrada Sa Isiniwalat Ni Priscilla Meirelles Tungkol Sa Kanilang Pagsasama!

Biyernes, Abril 7, 2023

/ by Jerome

 


Tila tinuldukan na ni John Estrada ang mga kumakalat na issue sa relasyon nila ng kanyang asawa na nagkakamalabuan na.


Napatanong nga ang mga netizens kung naayos naba ang problema sa pagsasama ng mag-asawa dahil sa post na ito ni John.


Ito ang mga katanungan ng netizen matapos na makita ang post ni John Estrada sa kanyang Instagram account ngayong araw Biyernes santo April 7, 2023.


Nagbahagi ang actor ng dalawang intimate photos nila ng asawang si Priscilla Meirelles.


Makikita sa isang larawan na hinalikan ni John si Priscilla sa pisnge na nakapikit ang mga mata.


Samantala ang isang larawan naman ay nakatingin silang dalawa sa camera ng may ngiti sa mga labi.


Caption naman ni John sa kanyang post, "The love of my life, my wife, my one and only Queen."

"#happytogether #j❤️p #naturalbeauty #happywifehappylife"


Ang post na ito ni John ang tila sagot niya sa mga kumakalat na issue na may problema ang kanilang relasyong mag-asawa.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo