Paolo Contis May Panibago Na Namang Pasab0g Sa Hiwalayan Nila Ni LJ Reyes!

Lunes, Abril 24, 2023

/ by Lovely


 Kamakailan lamang ay ipinahayag ng Kapuso actor na si Paolo Contis ang labis na pagkakamiss niya sa mga anak nila ni LJ Reyes na sina Aki at Summer.


Sina Aki at Summer ay nasa pangangalaga ni LJ Reyes na kasalukuyang nasa Amerika matapos ang paghihiwalay nila ni Paolo Contis.


Kaya naman halos dalawang taon na ring hindi nakikita ni Paolo ang kanyang mga anak sa aktres.


Samantala, sa isang episode ng digital talk show na Just In, ipinahayag ni Paolo Contis na handa siyang pumunta sa Amerika upang bisitahin ang kanyang mga anak kung sakaling mabigyan siya ng pagkakataon.


Naitanong din ni Nelson Canlas kay Paolo ang tungkol sa nangyaring hiwalayan nila ni LJ Reyes. Kung ano ang hindi pa alam ng publiko.


Agad naman itong sinagot ni Paolo at sinabing may iba't-ibang factors kaya nangyari ang kanilang paghihiwalay. Aminado din si Paolo na too personal ang ilan sa mga ito.


Ipinahayag din ni Paolo na may pagkakamali siya subalit nilinaw niyang hindi alam ng publiko ang buong pangyayari at ang buong kwento.


“Para sa akin I think it’s too personal. Maraming factors kung bakit napunta doon sa state ng naghiwalay kami.


“But I have admitted that I have made mistakes. Pero marami pang hindi alam ang tao about the whole picture,” pag-amin ni Paolo Contis.


Naitanong rin sa aktor kung may komunikasyon pa ba sila hanggang ngayon ni LJ Reyes. Kung nag-uusap pa ba sila kahit man lamang para sa kanilang mga anak.


Sinagot din ito ni Paolo at sinabing wala silang komunikasyon ni LJ subalit nakikipag-ugnayan na siya ngayon sa mga abogado nito.


Samantala, ipinahayag din ni Paolo Contis na ninanais nila ng kanyang girlfriend na si Yen Santos ang pribadong relasyon. Kaya naman umiiwas siya sa ilang mga katanungan at mas ninanais na manahimik na lamang sa isyung binabato sa kanila.


“I guess being in a quiet relationship, feeling ko mas may advantage. She’s a very private person. Walang comparison.


“Again, people don’t know what happens behind closed doors. Kung ano man ‘yung nakita ko dati, iba rin ‘yung mga nakikita ko ngayon.


“Sa amin, it works because we’re both quiet with our personal lives,” pagbabahagi ni Paolo.


Naglabas rin ng saloobin si Paolo sa mga pinagdaanan niyang bashing lalo na noong kasagsagan ng hiwalayan nila ni LJ Reyes at noong inamin nila ni Yen ang kanilang relasyon sa publiko.


“It’s sad to say na super na-demonize kami pareho in terms of, parang super laki. Katulad nga ng sinabi mo pagdating mo kanina, ‘Oh! The world’s hatest man!’ 


Natuto na ako. And aminin na natin, there is too much hate for me to postings and parang sa akin, so what? As long as quiet ‘yung sa aming dalawa, then so be it.”


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo