Pambansansang Kolokoy, Sinorpresa Si Gladys Guevarra Inamin Nang Totohanan Ang Relasyon!

Miyerkules, Abril 12, 2023

/ by Lovely


 

Ibinahagi ng content creator na si Pambansang Kolokoy ang kanyang pagsurpresa kay Gladys Guevarra matapos nitong magtampo sa kanya.


Pinuntahan mismo ni Pambansang Kolokoy si Gladys sa isang show nito. Naging emosyunal pa si Gladys nang magsorry si Pambansang Kolokoy sa kanya na wala siya sa birthday nito.


Ilang linggo din umano silang hindi nagkausap kahit man lang sa text o tawag dala ng sunod-sunod na mga show ni Kolokoy.


Kaya naisip umano ni Gladys na tila nagtapos na ang kanilang relasyon.


Sa huli nagkabati naman ang dalawa. Inamin rin ni Gladys na totohanan ang naging relasyon nila ni Kolokoy at hindi lang basta collaboration.


Matatandaan na noon lamang nakaraang October 2022, inihayag ni Pambansang Kolokoy na naghiwalay na sila ng kanyang asawa na si Marites.


Ilang buwan matapos nito, ipinakita na ni Pambansang Kolokoy ang kanyang anak, na aniya pa'y kahit bunga ng pagkakamali ay hindi niya pinagsisisihan.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo