Ogie Diaz at Mama Loi Natutuwa Sa Kalagayan Ngayon Ni Kris Aquino!

Miyerkules, Abril 12, 2023

/ by Lovely


 Kamakailan lamang ay nagbahagi si Mark Leveste ng mga panibagong larawan ni Kris Aquino na kuha mula sa kanilang pagsho-shopping.


Marami sa mga tagahanga ni Kris Aquino ang nasiyahan dahil sa improvement ng pangangatawan nito ngayon kung saan makikitang nadadagdagan na ang timbang nito.


Maging ang mga kilalang showbiz columnist na sina Ogie Diaz at Mama Loi ay ipinahayag na rin ang kanilang kasiyang sa weight gain ni Kris Aquino.


“Nakakatuwa, Nay, kasi diba, nagkakapisngi na, tumataba na 'yung pisngi ni Kris,” pahayag ni Mama Loi.


“Diba nga may Indian doctor si Kris. Na ang faith ni Kris doon sa Indian doctor ay talagang mataas,” pagsisiwalat naman ni Ogie Diaz.


Tila epektibo nga talaga ang paggagamot kay Kris ng isang Indian Doctor na nakadiskubre umano sa pinagmulan ng mga allergies ni Kris Aquino.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo