Maja Salvador, Maypa Teaser Sa Kanyang Bachelorette Party!

Linggo, Abril 16, 2023

/ by Lovely


 Kasunod ng kanyang opisyal na pansamantalang pag-alis sa Eat Bulaga, ibinahagi ng actress-host sa kanyang social media account ang naganap niyang bachelorette party.


Tila nalalapit na talaga ang kasal nito at ng fiancee na si Rambo Nunez.


Samantala, makikita sa video na ibinahagi ni Maja na present ang ilang malalaking stars sa kanyang party kabilang na sina Kathryn Bernardo, Maine Mendoza, Miles Ocampo at Kakai Bautista.


Sa kanyang bachelorette party, suot ni Maja ang puting bow top na may pearls accent, plain white skirt at chic accessories. 


Nakasuot din siya ng belo at sash na may nakasulat na bride to be.


Matatandaan na ikinagulat ng ilang mga netizens ang biglaang paglabas ng official statement ng kampo ni Maja Salvador tungkol sa kanyang pag-alis sa Eat Bulaga.


Malinaw naman sa nasabing pahayag na ang pangunahing dahilan nito ay ang nalalapit nilang kasal ni Rambo at pangalawa na lamang ang nangyayaring uncertainties sa Eat Bulaga.





 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo