Lolit Solis, Nanghihinayang Sa Relasyon Nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla!

Lunes, Abril 3, 2023

/ by Lovely


 Inamin ni Lolit Solis sa kanyang Instagram post ang kanyang panghihinayang sa relasyon nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.


Sa kaparehong post, inilahad ni Lolit Solis ang kanyang saloobin na tila hindi na talaga maayos pa ang nasirang relasyon ng dalawa.


“Sayang man iyon relasyon nila Aljur Abrenica at Kylie Padilla talagang hindi na siguro ito mabubuo, Salve. Sayang kasi meron silang 2 anak at parang bagay na bagay naman sila Aljur at Kylie kung titignan mo.”


Binalikan din ni Manay Lolit Solis ang paghihiwalay noon ng dalawa na naayos naman nila kalaunan. Subalit tila iba na umano ngayon ang sitwasyon dahil malabo nang maayos pa ang nawasak na relasyon.


“Nangyari na nuon ang paghihiwalay nila, nagkabalikan, naghiwalay uli, kaya baka this time hindi na sila uli maayos.” 


Sa huli, ipinahayag ni Manay Lolit na baka mas makakabuti kung magiging magkaibigan na lamang ang dalawa at magtulungan na lamang sa pagpapalaki ng kanilang mga anak.


“Mas mabuti pa nga siguro na ganuon ang mangyari sa kanila kesa naman maging magkaaway pa sila dahil sa dalas ng hindi pagkaka intindihan. 


Meron kasi mas mabuting friend kesa lover, kaya kung talagang hanggang duon na lang, tanggapin mo na.” 



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo