Lianne Valentin Bet Ang Jowa Ni Kim Chiu!

Lunes, Abril 10, 2023

/ by Lovely


 Tila kinilig ang King of Talk na si Boy Abunda matapos aminin sa kanya ng kanyang guest sa latest episode ng Fast Talk with Boy Abunda na si Lianne Valentin.


Naitanong rito ni Tito Boy kung sino sa mga artista ang nais niya na maging ka loveteam.


Agarang sagot ni Lianne na kahit sino ay open siyang makatrabaho.


Sunod namang naitanong sa aktres kung sino ang kanyang celebrity crush, na agad naman niyang sinagot.


Ayon kay Lianne ang hinahangaan niyang artista ay ang jowa ng Kapamilya actress-host Kim Chiu na si Xian Lim.


Tila kinilig naman rito si Tito Boy Abunda lalo na't magkasama ngayon sina Lianne Valentin at Xian Lim sa iisang teleserye na Heart On Ice kung saan leading lady ni Xian ang aktres na si Ashley Ortega.


Matatandaan na nauna nang nalink sa isa't-isa sina Ashley Ortega at Xian Lim matapos mamataan sila magkasamang lumalabas kahit walang taping.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo