Jormiel Labador Ipinagtanggol Ang Kapatid Laban Kay Bryanboy!

Huwebes, Abril 13, 2023

/ by Lovely


 Agad na ipinagtanggol ni Jormiel Labador ang kanyang kapatid na si Rendon Labador mula sa fashion influencer na si Bryan Boy.


Matatandaan na kamakailan lamang ay binatikos ni Bryanboy ang pag-promote ni Rendon Labador ng kanyang 'motivational rice.'


Nagsimula ang lahat nang pambabatikos sa motivational rice ni Rendon Labador, nang magreklamo ang mga costumer sa napakamahal na isang serving na rice sa resto nito.


Agad namang nakakita ng paraan si Rendon at sinabing kaya mahal ang kanilang binibintang rice dahil may kasama itong motivation at future.


Samantala sa ibinahaging video kamakailan ni Bryanboy tila pinagtawanan at tinapatan pa niya ang motivational rice ni Rendon Labador ng 'Gucci Rice'.


Ipinahayag din ni Bryanboy na ang presyo ng sinasabi niyang Gucci Rice ay nasa 20000 euros o umaabot sa  1,212,000 in pesos.


Hindi naman ito nagustuhan ng kapatid ni Rendon Labador ang pandadamay umano ni Bryanboy sa mga mahihirap.


“Bakit niya dinadamay ‘yung mahihirap? Pwede ka namang magyabang pero wag mo ng idamay ang mahihirap. Alam mo ang pagiging mahirap, walang masama diyan as long as gumagawa ka ng tama, as long as nagta-trabaho ka ng maayos,” saad ni Jormiel.


“Bakit mo dinadamay ang mahihirap, bakit mo sinasabi na mahirap sila.. Kasalanan ba nila na naging mahirap sila? Sa hirap ng panahon ngayon hindi mo na kasalanan kung maging mahirap ka,” dagdag pa ni Jormiel.


Nagpahayag din siya ng mga pagdududa tungkol sa pagkakaroon ng Gucci rice at hinamon si Bryan na magpakita ng anumang ebidensya upang patunayan ang kanyang mga pahayag.


Narito ang video ni Jormiel Labador: https://fb.watch/jTrQ7LGAfg/

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo