Jane De Leon, Mahirap Daw Makatrabaho? Ogie Diaz May Reaction!

Miyerkules, Abril 12, 2023

/ by Lovely


 Kabilang sa napag-usapan nina Ogie Diaz, Mama Ogs and Ate Mrena sa kanilang Ogie Diaz Showbiz Update ang aktres na si  Jane De Leon.


Napag-usapan nila ang magiging susunod ng project ng aktres matapos ang pagganap nito bilang Darna/Narda.


“'Yun nga, ang daming nagtatanong sa akin, ano na raw ang next project ni Jane De Leon? Tapos may nag-chika sa akin na mukhang matatagalan pa.”


Samantala nasambit din ni Ogie Diaz na nakarating sa kanya ang bali-balitang mahirap umanong katrabaho si Jane De Leon.


“Parang during the 'Darna' shoot daw, ewan ko kung totoo ah, parang hindi naman yata... ang sabi e parang medyo mahirap daw katrabaho si Jane. Ang sabi pa ay medyo may kaartehan daw si Jane sa set.”


Dahil dito tinanong umano niya ang isang malapit niyang kaibigan tungkol sa working attitude ni Jane De Leon.


Ayon umano sa kanyang kaibigan, "'No, Mama Ogs. Si Jane ay masunurin sa set. Lahat ng eksena, ginagawa niya.' Hindi lang daw maintindihan ng taga-ibang production na si Jane minsan ay may dinaramdam, masakit ang ulo, pero nagtatrabaho pa rin daw si Jane.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo