Gigi De Lana Gigil Sa Isang Airline Company!

Biyernes, Abril 7, 2023

/ by Lovely


 Labis ang pagkadismaya ng singer na si Gigi De Lana sa isang airline company sa pagka-aberya ng kanilang mga bagahe.


Ayon sa ibinahaging Facebook post ni Gigi, hindi umano nakarating ang kanilang  mga bagahe. Maging ang kanilang mga instrument na gagamitin nila sa kanilang performance ay hindi rin umabot sa Cauayan, Isabela.


“Cebu Pacific Air Ngayon lang ako mag rarant ah? Ano nangyayari sa inyo? Lahat ng luggages namin, pati instruments ng Gigi De Lana and The Gigi Vibes, hindi dumating sa Cauayan!! Paano kami mag-peperform mamaya? Hindi man lang kayo nag inform. Hindi namin na experience ito sa ibang airline,” pagbabahagi ng singer.


Sa kabila nito tila wala pa ring nakuhang kasagutan si Gigi kaya muli siyang nagpost, "Cebu Pacific Air Maraming salamat sa nangyari today dami ko na realize. 

Katulad ng wag magtitiwala agad agad. 

THE SHOW MUST GO ON! Lez do dis! 

#CEBUPAC!!!!!!"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo