Dolly De Leon Nagsalita Na Tungkol Sa Pagsasama Nila Ni Kathryn Bernardo Sa Iisang Pelikula!

Huwebes, Abril 13, 2023

/ by Lovely


Matapos ang kanyang matagumpay na pagganap sa international movie na Triangle of Sadness, muling nakabalik sa bansa si Dolly de Leon ngayong buwan upang gampanan ang kanyang mga tungkulin bilang juror sa naganap na Summer Metro Manila Film Festival awards night noong April 11 sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City. 


Ibinahagi naman ng award winning actress kung ano ang naging proseso ng pagpipili nila kasama ng kapwa niya juror bago ang event.


Aminado rin siya na hindi naging madali ang pagpili nila sa makakatanggap ng award. Gayunpaman, masaya siya sa lahat ng nakapag-uwi ng parangal.


“It was not an easy decision but I’m very happy with the results. Suffice to say, happing happy ako and if people are not happy with that, you can’t please everybody you know. If dumating yung day na lahat ng tao na-please, it means there’s something wrong.”


Samantala, inaabangan ngayon ng mga manonood ang upcoming movie niya kung saan makakasama niya Ang Box Office Queen na si Kathryn Bernardo.


Hindi rin umano siya nasaktan kahit pa hindi matandaan ni Kathryn ang pagiging magkatrabaho nila noon. Aminado din si Dolly na isa siyang fan ni Kathryn Bernardo lalo na sa Blockbuster hit movie nitong Hello, Love, Goodbye.


“Alam mo it’s okay. In the first place, bata pa siya so I don’t expect her to remember. Natural lang yun. Ako kasi I really remember everyone I work with. I’m just like that."


"Siyempre kinikilig ako kasi galing na galing ako kay Kathryn. Kinikilig talaga siyempre kasi napakahusay niya. At saka napakabuting tao. She’s really a very good actress and so, of course I’m so flattered. I’m so flattered and I’m really excited to work with her."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo