Carmina Villaroel Tahasang Tinanong Si Lianne Valentin Kung Nagkarelasyon Ba Sila Ni Zoren Legazpi!

Lunes, Abril 3, 2023

/ by Lovely


 Labis na ikinagulat ni Lianne Valentin ang tahasang pagtatanong ni Carmina Villaroel tungkol sa relasyon nila ng asawa nitong si Zoren Legazpi.


Matatandaan na sumikat si Lianne sa role niya sa 'Apoy Sa Langit' kung saan ginampanan niya ang papel ni Stella ang kabit ng character ni Zoren Legazpi.


 Sa guesting ni Lianne sa Sarap Di Ba?, tahasang tinanong sa kanya ni Carmina ang tungkol kina Zoren.


"Totoo ba na nagkaroon kayo ng relasyon ni Zoren?”


Sinundan naman ito ni Carmina na sa show ang tinutukoy niya.


“Nagulat ako sa tanong, grabe po!” saad naman ni Lianne.


Sa huli inamin rin ni Lianne na sa show ay nagkaroon sila ng relasyon ni Zoren dahil kailangan naman iyon.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo