Billy Crawford Pinatamaan Si Vice Ganda Sa Kanya Post Huling Taping Ng Tropang LOL!

Martes, Abril 18, 2023

/ by Lovely


 Iniintriga ngayon ng ilang mga marites ang naging mensahe ni Billy Crawford matapos naganap ang huling taping ng Tropang LOL.


Sa kanyang Instagram post inihayag ni Billy ang kanyang mensahe para sa kanyang mga naging kasamahan sa show.


Hindi rin niya nalimutan ang pagpapasalamat sa lahat maging sa TV5 sa pagbigay sa kanila ng opportunity matapos maisara ang ABS-CBN.


Samantala sa isang bahagi ng kanyang post, ipinahayag niya ang kanyang pasasalamat sa kanyang mga kasamahan dahil wala umanong silang mga drama, walang nagpapa-diva, pantay-pantay silang lahat at walang nangmamaliit.


“I will miss the atmosphere of this show because it was so genuinely light, friendly, uplifting for everyone, and each person on the team worked so hard. No drama, no divas, no pulling anyone down. Walang naka-angat, at walang nagmamaliit.”


Samantala dahil sa mensaheng ito ni Billy iniintriga siya ngayon ng ilang mga netizens na may pinapatamaan.


Tila may tinutukoy kasi umano itong si Billy sa kanyang mensahe na isang show kung saan may nangmamaliit at nagpapadiva.


May ilang pang nagsasabing ang tinutukoy umano ni Billy ay walang iba kundi ang dating katapat na show na It's Showtime.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo