Billy Crawford May Mensahe Sa Last Taping Ng Tropang LOL!

Lunes, Abril 17, 2023

/ by Lovely


 Ibinahagi ng singer-host na si Billy Crawford na sa huling araw na taping ng noontime show na Tropang LOL, ay bumuhos ang maraming luha ngunit may kaligayahan pa rin sa kanilang mga puso.


Noong March, lumabas ang tsismis na hindi na magpapatuloy ang show. Sa huli, nakumpirmang binabawi ng TV5 ang timeslot na ibinigay sa blocktimer show at ibinigay na sa iba.


Nauna na rito, naiulat na ang papalit sa Tropang LoL sa kanilang timeslot ang Face to Face kung saan si Karla Estrada ang magiging host. 


Samantala nito lamang April 16, naglabas ng madamdaming post si Billy sa aniya'y last day of taping ng Tropang LOL.


“Super fun while it lasted!”


Dagdag pa niya na malaki pa rin ang pasasalamat nila sa TV5 dahil nabigyan sila nito ng tahanan matapos nilang mawalan ng trabaho dahil sa pagkakasara ng ABS-CBN.


Alam din umano ni Billy na hindi sila pababayaan ng Panginoon at bibigyan sila ng panibahong tahanan, kahit pa nagtapos na ang kanilang show sa TV5.


"I just pray that, one day, God will be able to give us a new home to continue what we have started. But Father, Your will be done in Jesus’s name. No matter what happens, the relationship built on this show will be cherished forever."


Hindi rin nalimutan ni Billy na magpasalamat sa lahat ng mga sumuporta at nanonood sa kanila hanggang sa huli. Sinabi rin nitong hindi siya namamaalam dahil alam niyang babalik din sila.


"To all my co-workers, it’s not goodbye, it’s see you soon. Love you all, Tropang LoL!"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo