Ara Mina May Mensahe Kay Marco Gumabao Sa Pag-amin Nito Ng Relasyon Nila Ni Christine Reyes!

Huwebes, Abril 27, 2023

/ by Lovely


 Agad na nagbigay ng kanyang mensahe ang aktres na si Ara Mina para kay Marco Gumabao ng aminin nito ang romantic relationship nila ni Christine Reyes.


Si Marco Gumabao ay mas bata kay Christine Reyes ng anim na taon kaya naman alam umano Ara Mina na marami ang tutol sa kanilang relasyon.


Hiling naman ni Ara Mina na sana ay mahalin ni Marco hindi lamang ang kanyang kapatid na si Christine kundi maging ang anak nitong babae.


“Please take care and love my sister, okay? Make her happy. Please love also her daughter kasi siyempre may plus one na agad yan.”


Kamakailan lamang, ay pinag-uusapan ng mga netizens ang pag-amin ni Marco Gumabao sa totoo relasyon nila ni Christine Reyes kung saan ipinahayag niya na nakikita niya ang actress bilang isang wife material.


“Yung masayang kasama sa kahit saan. Yung very loving, very caring… She’s not the first woman naman to be a single parent. Wala naman masama,” pahayag ni Marco.


Si Christine Reyes ay isang Pinay actress. May isa siyang anak sa dating partner na si Ali Khatibi. Naghiwalay  sila dahil sa ilang personal na problemang hindi ibinahagi sa social media.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo