Alex Gonzaga Nagbiro Na Naman, Ng Di Maganda Laban Sa Its Showtime!

Biyernes, Abril 28, 2023

/ by Jerome

 


Mainit na naman pinag-uusapan sa social media, ang actress vlogger at Tv host na si Alex Gonzaga, na tila may pasaring sa kapamilya noontime show na It's Showtime.


Ito ay matapos na mag trending sa social media ang, video niya na kuha sa programa na Tropang LOL.


Kung saan ay mapapansin na may laman ang mga salita nito, habang nakikipag biroan sa kapwa niya host na si Billy Crawford.


Matapos kasi ang kanilang closing prayer, ay may kanya-kanyang spell, ang mga host.


Makikita nga sa video ng si Alex na ang nagsalita, ay nagbiro ito, at nagkunwaring umiyak, sabay sabing, "wag na natin itong tapusin, mag-overtime tayo, wag natin silang papasokin."


Sagot naman ng actor Tv host na si Billy Crawford kay Alex Gonzaga, ay "mapuputol parin tayo sa ere."


Pabiro namang sabi ni Alex kay Billy na, baka naman bumalik ka doon ha.


Alam naman na ng lahat, na bago pa ang Tropang LOL, ay nauna nang naging parte ng It's Showtime, si Billy Crawford bilang isang host.


Marami namang mga netizens ang hindi nagustohan ang tila patotsada ni Alex sa It's Showtime gayung wala naman daw itong ginagawa at nananahimik lamang.


Kaya naman umani ito ng samu't-saring mga reaction at komento mula sa mga netizens na karamihan nga ay puro pambabash ky Alex ang ginagawa.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo