Muling pinahanga ng vlogger-actress na si Toni Fowler ang mga netizens sa pagganap sa pinag-uusapang teleserye na Ang Batang Quiapo.
Napapansin ng mga netizens ang natural na pagganap ni Mommy Oni sa kanyang role bilang si Chikey.
Ayon pa sa mga netizens nag-iimprove umano sa bawat eksena ang akting skills ng vlogger. Alam na alam na rin umano nito kung paano laruin ang kanyang role.
“Ang galing ni Mami Oni, lumi-level up.”
“Ang galing umarte ni Mami Oni, dito lang ako napatawa.”
“Hoy, yung acting skills ni Toni.”
Matatandaan na naunang naisyu ang pag-papaalis kay Toni Fowler sa nasabing teleserye dahil sa kanyang controverial music video.
Agad naman nilinaw ni Toni na hindi siya tinanggal sa teleserye.
@abscbn Wawa naman, hindi invited. #FPJsBatangQuiapo #Kapamilya #ABSCBN ♬ original sound - ABS-CBN
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!