Ace Raval, Umalma Sa Pagkakadamay Sa Kanyang Anak Sa Isyu Ng Kapatid!

Miyerkules, Abril 26, 2023

/ by Lovely


Hindi nagustuhan ni Ace Raval, kapatid ni AJ Raval, ang pagkakadamay sa kanyang anak sa mga isyung kinakaharap ngayon ni AJ Raval.


Kamakailan lamang, ibinahagi ni AJ Raval ang larawan ng anak ni Ace sa kanyang Instagram stories.


Bagama't tinag naman ni AJ Raval sina Ace Raval at ang partner nito sa photo, marami pa rin ang nag-iisip na ang sanggol ay kanyang anak sa aktor na si Aljur Abrenica.


Hinuha pa ng mga marites na tapos na ang kanilang paghihintay sa pagbaby reveal ni AJ.


Subalit napag-alaman na ang sanggol ay anak pala nina Ace Raval at Chrizia Henson.


Kaya naman umalma na si Ace sa pagkakadamay ng kanyang sa mga isyung kinakaharap ni AJ. Labis siya nadismaya dahil nadadamay na umano ang kanyang anak sa mga isyung wala naman katotohan.


Paglilinaw niya na hindi totoong nabuntis at nanganak ang kanyang kapatid. Pagdidiin pa niya na anak nila ng kanyang partner si Baby Dio, ang batang ipinakita ni AJ Raval sa kanyang IG stories.


Matatandaan na nitong nagdaang taong ilang ulit na napapabalitang nagbubuntis si AJ Raval. May nagsasabi pang ito umano ang dahilan kung bakit pansamantala itong nahinto sa pagsabak sa mga pelikula.


Noong November 2022 naman napabalitang nanganak si AJ Raval sa isang lying in clinic. Nakilala lamang umano ito dahil sa tattoo sa dibdib. Maging ang naghihintay umanong  si Aljur Abrenica at nakamask pa.


Si AJ Raval ay isa sa pinakakontrobersiyal na aktres sa kasalukuyan. Ito ay dahil sa kanyang mga kinasangkutang kontrobersiya kabilang na ang pagkakaugnay niya sa aktor na si Aljur Abrenica.


Una siyang nakilala sa kontrobersyal na pelikulang, "Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar" sa ilalim ng direksiyon ni Direk Darryl Yap. Anak siya ng dating matinee idol at action star na si Jeric Raval sa dating actress na si Alyssa Alvarez.


Si AJ Raval din ang tinuturong third party sa hiwalayan nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla. Bagama't nilinaw na Kylie Padilla na hindi si AJ ang naging dahilan sa hiwalayan nila ni Aljur marami pa ring naiinis kay AJ Raval sa pagpatol kay Aljur.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo