Yassi Pressman Muling Iginiit Na Okey Sila Ni Nadine Lustre!

Biyernes, Marso 24, 2023

/ by Lovely


Muling iginiit ng aktres na si Yassi Pressman na kailanman ay hindi sila nagkagalit ng aktres na si Nadine Lustre.


Sa naganap na media conference para sa comedy series na Kurdapya, naitanong kay Yassi Pressman kung may isyu ba sa pagitan nila ni Nadine Lustre o kung hindi na ba sila magkaibigan.


Ayon kay Yassi isang beses lamang niyang sasagutin ang mga katanungan sa pagitan nila ni Nadine. Dito iginiit niya okay silang dalawa at nananatiling magkaibigan.


Iginiit din niyang kailanman ay hindi sila nagkaroon ng problema.


"Wala pong problema. Kami po ni Nadine, okey po kami. Okey din po ’yong buong pamilya namin," saad ni Yassi.


Ipinahayag din niya na bago isapubliko ang relasyon ng dalawa ay mayroon nang pribadong paguusap sa pagitan ng mga magkabilang parties.


"S’yempre po, bago po nag-public ang lahat, lahat po naasikaso in private. So lahat po walang problema. Me and Nadine are cool, we’re friends. We’ve been friends ever since we were kids kaya naman po okey po," paglilinaw pa ni Yassi.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo