Viy Cortez Binanatan Ang Basher Ng Kanyang Anak!

Miyerkules, Marso 29, 2023

/ by Lovely


 Hindi napigil ni Viy Cortez ang kanyang sarili nang maging ang kanyang anak ay dinamay na ng basher.


Hindi na pinalampas ng social media influencer na si Viy Cortez ang pang-ookray ng isang basher tungkol sa hindi pa paglalakad ng kanyang anak.


Sa kanyang Facebook post, ibinahagi niya ang screenshot ng komento ng isang netizen tungkol sa anak niyang si Baby Kidlat at ang kanyang sagot rito.


"Hindi ako magsasawang ipost mga ganito," caption ni Viy sa kanyang post.


Makikita sa screenshot ang komento ng isang netizens na sinasabing kaya hindi pa nakakalakad ang bata dahil sinasanay ng ina sa pagkarga.


"Big boy na pero hindi makalakad. Sinanay kasi sa buhat nung nanay." 


Agad naman itong binweltahan ng iba at sinabing, "Ikaw nga tanda mo na b*bo ka pa."


Maging ang FB page ng Team Payaman ay napasagot rin sa basher at ipinuntong walong buwan pa lamang ang bata.


Samantala, hiling naman ni Viy na huwag pangunahan ang developments ng mga bata dahil magkaiba naman ang bawat isa.


"Bawat bata may kanya-kanya ng talino o galing. Tigilan niyo magkumpara 2023 na uyy. Baka ihampas ko sayo andador ni Kidlat."


Agad namang dinumog ng mga supporters ni Viy ang basher at sinabihang manahimik na lamang ito kung walang magandang masasabi.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo