Toni Fowler Hindi Makikisawsaw Sa Isyu Nina Rosmar at Zeinab!

Huwebes, Marso 2, 2023

/ by Lovely


 Hindi na umano makikialam ang social media influencer na si Toni Fowler sa tila bangayan ngayon ng kapwa influencers na sina Zeinab Harake at Rosmar.


Kahit pa, pinadalhan umano siya ng mensahe ni Rosmar kung saan malungkot umano siya dahil pinagtawanan lamang siya ni Zeinab Harake at Rabiya Mateo.


Binigyan pa umano niya ng payo si Rosmar na palampasin na lamang ang mga ito ang importante ay nasa maayos siyang circle of friends.


Gayunpaman, ibinahagi ni Rosmar sa kanyang social media account ang usapan nilang ito ni Toni Fowler kaya naman, nag-aabang ang ilang mga netizens kung paano ipagtanggol no Toni ang kaibigan.


Subalit sa inilabas na isang Tiktok video ni Toni Fowler sinabi niyang hindi siya makikisali sa isyung ito ni Rosmar.


“Unang-una sa mga gustong pagsabungin kami, hindi po yan mangyayari. Pangalawa, kaya lang po ako nagsasalita dahil ang dami pong nagtatag sakin sa video ni Rosmar na parang nakikisali po ako."


“Yes totoo na nag-pm sa akin si Rosmar and talagang bilang ate ako talaga yung pinagkamatiwalaan niya at pinagsasabihan niya. So sabi niya ate bakit ganito? Idol ko pa naman siya. Nalulungkot ako’ ganyan."


"Ang sabi ko na lang sa kanya ay ‘Ang mahalaga nasa tamang circle ka.’ Ibig sabihin ko non, napapalibutan ka ng environment na katulad namin,” pahayag ni Toni Fowler.


Pinayuhan din umano niya si Rosmar na pabayaan na lamang ang mga ito upang hindi pa lumala ang sitwasyon.


Ipinunto pa niya na hindi siya bayad o nagpabayad sa pagbibigay ng suporta dahil ito umano ang totoong pagsuporta hindi nagpapabayad o tumatanggap ng bayad.


“Hindi po talaga ako nagpapabayad. Wala pong binayad si Rosmar kahit piso o kahit na anong favor as in literal na wala. Wala rin akong hiningi,” saad ni Toni.


Dagdag pa niya, “Yun ang totoong suporta, ‘yung walang bayaran. Kasi nga ang eksena talaga ng ganyan ay magulo. Ayoko ng magulo, alam n’yo naman ayoko ng bayaran. Ayoko ng ganyang collab. Gusto ko lang mag-send ng good vibes.”



@mommytonifowlerofficial @ROSMAR love ka ni Ate Toni ❤️ #pinakamalakas ♬ original sound - Toni Fowler

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo