Rosmar Tan, proud na inaming siya ay retokada

Sabado, Marso 4, 2023

/ by Sparkle

 


For the first time, proud na inamin ng social media personality at CEO ng sikat na skincare brand na si Rosmar Tan na isa siyang retokada.


Lingid sa kaalaman ng marami, matagal nang iginiit ng mga netizens na nagparetoke si Rosmar kaya mas gumanda siya ngayon.


Palaging tampulan ng tukso at batikos si Rosmar sa social media dahil sa isyung nagparetoke siya.




Pero laging itinatanggi ni Rosmar na nagparetoke siya o dumaan sa anumang face enhancement.


Lagi rin niyang sinasabi na 'nag-glow up' lang siya kaya mas gumanda siya ngayon.


Hanggang sa 2023, sa wakas ay inamin ni Rosmar na siya ay isang retokada.




Pero giit ni Rosmar, nagparetoke lang daw siya ng ilong.


Sa isang TikTok video, sinayaw lang ni Rosmar ang mga nagsasabing matagal na siyang retokada.


Aniya, “Para sa mga nagsabing retokada ako noon, pahiya kayo, ngayon lang.”




Aaminin din daw niya talaga na nagparetoke siya kapag nagparetoke na siya.


Ayon kay Rosmar, hindi raw talaga siya umamin dahil hindi naman daw totoong nagparetoke siya.


Ani Rosmar, “Sabi ko naman sainyo pag nagparetokeee ako iannounce ko, HAHAHA mahirap kasi umamin noon kung di naman totoo binibintaaang nyo HAHAHA #ProudRetokada.”




Samantala, umani naman ng iba't ibang reaksyon ang pag-amin ni Rosmar na siya ay isang proud retokada.


Sa kabila ng pag-amin ni Rosmar, marami pa rin ang hindi naniniwala na nagpa-retoke lang siya.


Komento ng netizens:




“Matagal.namin alam. Ayaw pa daw aminin”


“halata namang retokada na mukha nyan pati balat thank u doc din yan”


“Matagal na iyan retokada.. last session niya now”


“Hindi ata EFFECTIVE ang sabon at Produkto nya kaya major SURGERY kailangan”

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo