Ricci Rivero Rumesbak Sa Mga Bashers Ni Andrea Brillantes!

Martes, Marso 28, 2023

/ by Lovely


  Tila hindi na nakapagtimpi pa ang boyfriend ni Andrea Brillantes na si Ricci Rivero sa mga batikos na kinakaharap ngayon ng nobya matapos ang ginawa nitong promposal para sa kanya sa nagdaang Blackpink concert.


Marami sa mga netizens ang napataas ang kilay mataas na si Andrea umano ang gumawa ng move para maging date ang nobyo. Tila nagiging desperada na umano ito.


Agad namang nilinaw ng aktres na siya talaga ang dapat na magpropose dahil siya ang artist ng Star Magic at hindi si Ricci.


Ipinahayag din niyang panahon na umano na maging pantay na ang pagtingin ng mga babae at lalaki.


Samantala, maging si Ricci Rivero ay nagbigay na rin ng pahayag at sinabing pare-pareho lang naman ang lahat na naroon na nais na magpapansin sa Blackpink.


“Pare-pareho lang kami ng fans na nagpunta doon kagabi kaya nga sila nag-attend to see their idols perform. Lahat naman, feel ko, gustong magpapansin sa mga idol nila. Eh, ganoon din naman ako kung may idol ako.”


“Kung ano ‘yung ginawa ni Blythe, ganoon din ang ginawa ng iba. Malaking bagay para sa fans ang mapansin ng idol nila so that’s exactly what Blythe did. Nag-try siya, eh napansin siya ng idol niya."


“So, I am really happy for her na naging successful ang plano niya,” pahayag ni Ricci.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo