Rendon Labador Isiniwalat Na Kinuha Siya Noon Ni Coco Martin Upang Makasama Sa Batang Quiapo!

Biyernes, Marso 17, 2023

/ by Lovely


 Ibinahagi ng tinaguriang motivational speaker na si Rendon Labador sa kanyang Facebook post na dalawang beses siyang inalok na maging bahagi ng FPJ’s Batang Quiapo na pinagbibidahan at idinirek ni Coco Martin.


Ayon sa kanya, sinubukan siya ng production team ng Kapamilya series na makipag-negotiate noong January para sa ibibigay sa kanyan role sa Batang Quiapo. 


Humiling naman umano siya ng isang meeting sa team upang pag-usapan ang magiging set-up ng kanilang trabaho. Gayunpaman, hindi umano sila nakipag-corporate sa panahon ng negosasyon, kaya hindi niya gaanong pinansin.


Kinontak umano siya ng team sa ikalawang panahon at nagkausap sila subalit tinanggihan niya dahil walang maayos na direction ang gagawin niyang role.


"Nag follow up sila ng second time at gusto daw nila ako i include, tinawagan namin sila at nakausap. Wala silang maayos na direction sa role na offer pati sa story hindi organized, kaya hindi na ulit namin pinansin."


Ayon kay Rendon tinanggihan niya ang offer na ito nina Coco Martin dahil may mas importante pa siyang bagay na gagawin kaya mang-istorbo umano ng mga naghahanap buhay sa Quiapo.


"Madami kasi akong mas mahahalagang commitment para mag bigay ng oras sa isang bagay na walang direction. Pwede yan sa mga taong walang ginagawa sa buhay at nag sisimula palang sa industry o kaya yung mga artista o celebrity na walang mga projects."


"Hindi ko sila minamaliit, its just that hindi lang kaya ng oras at commitment ko ngayon," pahayag ni Rendon Labador.


Dagdag pa niya na wala siyang interes na gawin ang mga katulad nitong bagay at kung gugustuhin pa umano niya ay kaya niyang gumawa ng Batang Divisoria dahil afford naman niya.


"Wala naman akong paki alam diyan sa mga pinag gagawa ninyo. Kaya kong gumawa ng BATANG DIVISORIA kung gugustuhin ko lang, Gets mo?" 



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo