Puregold Employee Natatakot Nang Lumabas Ng Bahay, Humingi Ng Tawad Sa Pinagbintangan!

Huwebes, Marso 16, 2023

/ by Lovely


 Emosyunal na humingi ng paumanhin ang Puregold employee dahil sa pamimintang niya sa dating stage actor na nagnakaw umano sa loob ng Puregold store.


Matatandaan na isa-isa niyang pinalabas mula sa bag ng aktor ang lahat ng gamit nito sa harap ng maraming tao, na siyang ikinahiya nito.


Sa Facebook post ng aktor na si Hope Marco Neri Yutuc, ibinahagi niya ang side ng internal security na sumita sa kanya noong Marso 12 sa Puregold Putatan Muntinlupa.


Humihingi ito ng tawad sa kanya sa pagkakamali nito. Ipinahayag din nito ang pinagdaanang trauma kung saan natatakot na itong lumabas sa kanilang bahay.


“Ako po ay taos-pusong humihingi ng paumanhin kay Sir Marco dahil sa totoo lang po sobrang naging trauma po ‘yung nangyari sa amin. Hindi na po ako makalabas ng bahay. Natatakot po ako tuwing ako’y lalabas ng bahay.


“Hindi ko po alam kung paano ko po haharapin ‘yung mga susunod na araw. Natatakot din po ako sa puwedeng mangyari sa mga anak ko dahil sa totoo lang po nato-trauma na rin sila,” mangiyak-ngiyak na pahayag nito.


Agad din namang tinanggap ng aktor ang paumanhin nito.


Hiling ngayon ng empleyado na itigil na ang panghuhusga sa kanya at sana'y bigyan siya ng isa pang pagkakataon na patunayan ang sarili. Nangangako rin ito na natuto na siya sa kanyang pagkakamali.


Agad naman itong umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens.


"Sa totoo lang... Ginawa mo lng namn ang trabaho mo miss... Yon nga lang hindi lng sa tamang paraan... Next time paki ayos nlng... Tamang approach at dapat hindi lantaran... Para hindi nmn mapa hiya ang lahat... God bless.."


"Dpat kasi kung may pag dududa wag sa public gawin ang pag bulatlat ng bag pakiusapan nyo sa loob ng opisina para naman pag mali ang akusasyon eh di naman napapahiya ang tao dapat dyan gawin mag shopping sya kung ano magkasya sa isang cart libre na dahil pinahiya nyo na eh "


"Iyak iyak pa tapang mo Nung unang video"


"Mga security officer za work nyo ingat din kau manita ND lahat ganun Ang gawain"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo