Pamunuan Ng KMJS Naglabas Sa Balitang May Nahablutan Nang K-pop Merch Sa MRT-Cubao!

Martes, Marso 7, 2023

/ by Lovely


 Nakarating na sa team ni Jessica Soho ang bali-balitang may nahablutan umano ng photo card sa MRT-Cubao dahil sa inilabas na price ng KMJS sa bawat photo card na aabot sa 50K.


Kasunod nito naglabas ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng KMJS sa isyung ito.


Kung saan nakipag-ugnayan umano sila sa MRT station at wala naman umanong insidente na katulad ng hablutan na naganap.


Hiling din nila na tigilan na ang panghaharas sa pamilya ni Bea sa iba't-ibang social media platforms.


Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag,


“Nakarating sa aming kaalaman ang tungkol sa isang online post na nagsasabing may nahablutan ng K-Pop merchandise sa MRT-Cubao. Inuugnay ito ng ilan na diumano bunsod ng pag-ere ng KMJS sa kuwento ni “Bea” na nagnakaw ng milyon sa kanyang pamilya para suportahan ang kanyang KPop collection.”


“Nakipag-ugnayan kami sa MRT-Cubao at sa iba pang kalapit na police stations para i-verify ang insidente. Ayon sa pamunuan ng MRT-Cubao at police stations, walang anumang opisyal na naiulat sa kanila na nanakawan o nahablutan ng K-Pop merchandise sa nakalipas na 48 oras.”


“Gayunpaman, hinihikayat nilang mag-report sa kanilang tanggapan ang mga nagpakilalang biktima, o sinumang may katulad na insidente para magawan ng aksyon.”


“Nakikiusap ang pamilya ni ‘Bea’ na tigilan na ang pang-aatake sa kanila online at pagbubunyag ng kanilang pagkakakilanlan. Lumapit sila sa KMJS para matulungang mabawi ang perang pinaghirapan nila.”


“Samantala, kinokondena naman ng pamunuan ng KMJS ang ginagawang trolling at harrassment ng ilang netizens sa aming staff na gumawa ng ulat tungkol kay ‘Bea’. Nakikipag-ugnayan na rin ang KMJS sa aming Legal Team para sa susunod na hakbang.”


“Tulad ng ibang mga kuwentong itinampok sa KMJS, ginawa namin ang istorya ni ‘Bea’ hindi para manghusga, pero para magsilbing aral at babala. Walang intensyon ang programa na makasakit, makapahamak ng iba, o magkaroon ng pagkakahati-hati.”

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo