Pambabatikos Ni Rendon Labador Kay Coco Martin Isa Lamang Business Strategy!

Martes, Marso 28, 2023

/ by Lovely


 Naniniwala ang talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz na matalino si Rendon Labador sa paggawa ng business strategies.


Itinampok sa pinakabagong episode ng Youtube vlog ni Ogie Diaz ang nangyari kamakailan sa grand opening ng negosyo ni Rendon at ang pagrarant nito sa social media.


Tumatanggap rin ngayon ang self-proclaimed motivational speaker na si Rendon Labador ng samu't saring pambabatikos para sa isyu nila ni Coco Martin.


Matatandaan na sinisi pa ni Rendon si Coco Martin at mga tagahanga nito sa 0 ticket sale nila para sa grand opening ng kanyang negosyo.


“Naku, Mama Loi, baka ginagamit lang niya so Coco Martin para ma-curious dun sa bar niya,” saad ni Mrena.


“Ako ha, naniniwala akong matalino si Rendon. Parang ganito ang kaniyang anggulo to promote ‘yung business niya,” depensa naman ni Ogie Diaz.


Naniniwala rin ang talent manager na isa lang itong istilo para sa kanyang internet image para mas ma-appreciate o ma-follow siya ng mga tao.


Marahil ay hindi lang siya ang nag-iimbita. Iniisip rin Mama Loi na baka marami siyang kaibigan at business partners bilang bisita noong araw na iyon.


“Ito naman si Coco Martin, hindi naman pumapatol masyado. Parang bising-bisi masyado si Coco para patulan pa o sagutin pa ‘yung mga hanash ni Labador,” muling pahayag ni Ogie Diaz.


Iniisip rin umano nilang maaring ginagamit lamang ni Rendon si Coco Martin upang mapalaki ang engagement at distribution ng kanyang mga post.


Kaya naman ayon kay Ogie na kung siya ang manager ni Coco Martin ay hindi niya hahayaang magsalita si Coco Martin hinggil sa isyung ito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo