Ogie Diaz Nalulungkot Sa Kinahantungan Ng Dating Alaga Na Si Liza Soberano!

Huwebes, Marso 2, 2023

/ by Lovely


 Muling nagbigay nagbigay ng kanyang pahayag ang talent manager na si Ogie Diaz hinggil sa inilabas na video ng kanyang dating alaga na si Liza Soberano.


Sa isang panayam kay Ogie Diaz, iginiit niya hindi siya nagalit kay Liza bagkus nalulungkot siya para rito.


"Hindi ako galit kay Liza. At anytime na gusto niya akong tawagan, gusto niyang humingi ng payo sa akin whatever, bukas ako sa kanya kasi malaki rin ang utang na loob ko sa batang 'yan," pagsisiwalat ni Ogie Diaz.


"Hindi ako na-offend, Nalungkot lang ako. Nakakalungkot lang din naman 'yun," dagdag pa ni Ogie.


Ipinagdidiinan din niya na wala siyang sama ng loob sa hindi nito pagrenew ng kontrata sa kanya dahil maayos naman umano ang pagtatapos nila at paglilipat nito kay James Reid.


"Pero 'nung naghiwalay kami ni Liza, in fairness naman maayos. Maayos kaming naghiwalay ay nagpaalaman, nagkita in person," giit ni Ogie. 


Matatandaan na naging mainit na usapin online ang diumano'y pagkukulong sa de kahon kay Liza nang dati nitong management at network.


Kung saan maging ang pagpili ng screen name ay kinuha pa sa kanya.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo