Ogie Diaz Hinamon Ang Careless Ceo Na Maglabas Ng Resibo Na Ininvite Si Liza Soberano Ng Marvel!

Huwebes, Marso 9, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay na ng saloobin ang dating manager ni Liza Soberano kasunod ng mga isiniwalat ng CEO ng Careless na si Jeffrey Oh.


Matatandaan na inihayag ni Jeffrey na inimbitahan sana ng Marvel si Liza upang mag-audition sa papel ni MJ sa Spiderman: Homecoming.


Subalit, hindi umano nakapag-audition ang aktres sa kadahilanang may ginagawa itong project sa ABS-CBN tila hindi rin umano ito pinayagan na mag-auditon.


Kaya naman sa latest episode ng Showbiz update ni Ogie Diaz kaagad niyang sinagot ang claims ni  Jeffrey.


“Si Liza Soberano na rin po ang nagsabi niyan, na walang imbitasyon na galing sa Marvel at 'yung tweet na 'yon ay galing sa isang fan na nagpakalat, na naniniwala na posible na makapasok si Liza bilang isa sa mga extra or may mga roles doon sa Spider-Man kung siya ay sakaling mag-audition,” saad ni Ogie.


Ayon pa kay Ogie Diaz na baka naman ay may resibo si Jeffrey na totoong naimbitahan nga si Liza nang hindi nila nalalaman ay inilabas na.


“Hindi ko alam kung dito nanggagaling si Mr. Jeffrey Oh, doon sa tweet ng fan na 'yon. O baka naman meron siyang resibo. Mr. Jeffrey, you might want to release the receipt or the proof that Liza received an invitation from Marvel to audition for the role of Mary Jane.” 


Muli ding iginiit ni Ogie Diaz na siyap, maging ang Star Magic at ABS-CBN ay walang nalalamang inimbitahan pala ang kanyang alaga para mag-audition sa Marvel.


"Dahil ako, bilang former manager ni Liza, at ang Star Magic, at ang ABS-CBN, as far as we know, walang imbitasyon mula sa Marvel at 'yan ay sinegundahan ni Liza.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo