Ogie Diaz Bubwelta Na Sa Isyung Ipinahayag ni Liza Soberano sa Fast Talk?

Martes, Marso 14, 2023

/ by Lovely

Tila tapos na ang pananahimik ng talent manager na si Ogie Diaz hinggil sa isyung pumapaloob sa kanya at sa dati niyang alaga na si Liza Soberano.


Ayon sa ibinahaging mensahe ni Ogie Diaz sa kanyang Instagram stories na handa na umano siyang tuldukan ang isang isyung pumapaloob sa kanya at handa na umano siyang magbigay ng pahayag.


Inamin rin niya na nalulungkot siya ngayon sa mga nangyayari sa pagitan nilang dalawa.


“Nakakalungkot ang nangyayari, pero i need to speak up,” pahayag ni Ogie Diaz.


Pinaanyayahan din niya ang mga marites na abangan ang kanyang side sa kanyang showbiz update vlog.


"Later po sa Ogie Diaz Showbiz Update. Pakiabangan po.”


Matatandaang sa panayam kay Boy Abunda kamakailan, nilinaw ng aktres ang pahayag ni Ogie tungkol sa koleksyon niya ng komisyon kay Liza at sinabing walang katotohanan ang sinabi ng talent manager patungkol sa pagtigil niya sa pagkuha ng commission sa loob ng dalawang taon.


Inilabas din niya ang kanyang damdamin laban sa kanyang dating manager, na kinuwestiyon ang mga pahayag nito laban sa kanya.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo