Natawa Si Cristy Fermin, Nang Mabanggit Ang 'Eat Bulaga' Sa Kanyang Programa!

Huwebes, Marso 23, 2023

/ by Lovely

Hindi napigilan ni Manay Cristy Fermin ang matawa ng banggitin ng kanyang co-host na si Romel Chika ang noontime show na Eat Bulaga.


Sa latest episode ng kanilang YouTube vlog na napag-usapan nila ang bagong development ng nasabing show.


"Meron pa tayong pag-uusapan diba, nanay? Yung Eat Bulaga," pahayag ni Romel Chika na ikinatawa naman Cristy Fermin.


Matatandaan na sa naunang episode ng programa nila Cristy Fermin tinalakay nila ang mga nagsasaling bahay na komento sa show.


"Speaking of Eat Bulaga, nako grabe, nagsasaling bayan ang mga komento."


"Kesyo umurong na raw ang mga halushos, hindi na raw makikialam sa pagpapatakbo ng noontime show, kesyo babalik na raw ulit si Tito Tony Tuviera dahil siya raw talaga ang pinaniniwalaan ng mga hosts at hinahanap ng produksyon."


"Pero lahat pala yan ay fake news, wala pa, wala pang katiyakan. Kasi nga, April 15 ang sinabi kung kailan sila magsasalita na at magbibigay ng opisyal na pahayag tungkol sa Eat Bulaga," pahayag ni Cristy Fermin.


"Alam mo ang hinihintay natin sa Eat Bulaga talaga, yung tayaan. Yung tayaan, kanino tataya ang mga hosts ng programa?" dagdag pa ni Cristy Fermin.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo