Nadine Lustre, Nagsorry Kay Yassi Pressman! Inatake Na Daw Ng Anxiety!

Biyernes, Marso 24, 2023

/ by Lovely


 Isiniwalat mismo ng aktres na si Yassi Pressman na kinausap umano siya ni Nadine Lustre upang humingi ng paumanhin sa pagkakadawit niya at pambabatikos sa kanya ng mga fans nito.


Sa presscon ng comedy series na Kurdapya na pinangungunahan ni Yassi Pressman, sinabi niya kinausap umano siya ni Nadine Lustre ng pumutok ang isyu nina James Reid at Issa Pressman at nang balikan ng mga tagahanga ni Nadine ang pangungunsinte niya sa kapatid.


“Sabi ko, ‘Uy, girl, nagkaka-anxiety ako sa lahat ng mga tao.’ She said, ‘Sorry to hear that. I hope you’re feeling better,'” kwento ni Yassi.


Sinabi rin ni Yassi na wala nang isyu sa pagitan nina Nadine Lustre, James Reid at Issa Pressman. 


Inamin din ni Yassi na wala siyang kaalam-alam sa relasyon ng kanyang kapatid at James Reid at isa rin siya sa nagulat ng inamin na ng mga ito ang kanilang relasyon.


“Pero nung sinabi po sa akin ‘yon recently, hinayaan ko na lang din po na magdesisyon ‘yung mga tao because they’re old enough naman to make their own decisions na rin po.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo