Nadine Lustre, Nagbahagi ng Panibagong Vlog Kasama Ang Boyfriend Sa Gitna Ng Pagkakadawit Sa Kanyang Pangalan sa Rebelasyon Nina Issa at James!

Martes, Marso 21, 2023

/ by Lovely


 Sa gitna ng konttobersiyang pag-amin nina James Reid at Issa Pressman sa kanilang relasyon, nagbahagi naman si Nadine Lustre ng isang maikling vlog kung saan kasama niya ang kanyang boyfriend na si Christophe Bariou.


Sa nasabing vlog ipinasilip na Nadine sa kanyang mga fans ang simpleng weekend routine niya kasama ang kanyang nobyo.


Sa kabila ng pagkakadawit sa kanyang pangalan sa nabunyag na relasyon ngayon ng dating boyfriend na si James Reid at kaibigang si Issa Pressman, nanatili pa ring tikom ang bibig ni Nadine Lustre at tila wala nang pakialam sa isyu.


Ibinahagi pa ni Nadine sa caption ng kanyang vlog siya lamang ang kumuha ng video rito dahil hinamon siya ng kanyang team.


Sa tingin naman umano niya ay nagawa niya ng maayos ang challenge.


Agad namang nagbigay ng komento ang kanyang mga fans at ipinarating sa aktres ang kanilang suporta kahit medyo boring umano ang vlog nito.


"I like how nadine doing her vlog, its not like the usual daldal thing.. Nadine is kind of girl na di masalita but she shows different things by actions..nakaka amaze."


"She doesn't give off the vibe that you have to be "this" and "that". She just shows us how her life is."


"Nadz, lakas  maka 90's & early 2000s yung vlog setting"




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo