Mr. Freeze, Pinayuhan Si Luis Manzano Na Kumuha Ng Magaling Na Lawyer!

Biyernes, Marso 17, 2023

/ by Lovely


 Naibahagi ni Mr. Gerry Santos o mas kilalang Mr. Freeze na kasosyo niya ang ilang mga celebrity na sina Albert Martinez, Derek Ramsay at Isabelle Daza sa kanyang ice plant business.


Kamakailan lamang ay nakapanayam ng ilang mga media press si Mr. Freeze sa media con at contract signing para sa first entrepreneurial show sa AllTV Network, ang Negosyo Goals.


“Ano lang sila, silent investors. Para kang nag-time deposit, ganu’n. So, hindi sila nakikialam sa operation,” pagbabahagi ni Mr. Freeze.


Samantala naitanong din kay Mr. Freeze kung ano ang maipapayo niya sa kinakaharap ngayon ng isa pa niyang kaibigan na si Luis Manzano, na nasangkot sa investment scam issue.


Pagpapayo ni Mr. Freeze na humanap na lamang ng magaling na abogado si Luis Manzano upang maayos at malusutan niya ang reklamong kinakaharap niya.


Si Mr. Freeze ang host ng bagong programa sa AllTV na “Negosyo Goals” na magbibigay sa manonood and aspiring entrepreneurs ng mga insights kung paano magsimula ng sariling negosyo.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo