Mikee Quintos, Paul Salas Ikakasal Na!

Huwebes, Marso 23, 2023

/ by Lovely


 Kinumpirma na ng celebrity couple na sina Mikee Quintos at Paul Salas na engage na sila.


Sina Paul Salas at Mikee Quintos ang naging guest sa latest episode ng programa ni Boy Abunda sa GMA na Fast Talk with Boy Abunda.


Inamin nila mismo ang masayang balita sa nasabing programa ni Tito Boy.


Naitanong din ng King of Talk kung kailan ang kanilang kasal. Subalit, ayon kay Mikee, ay hindi pa nila napag-uusapan ang mismong petsa nito.


Noong July 2022, ipinagdiriwang ng dalawa ang kanilang unang anniversary ng kanilang relasyon sa Boracay Island.


Matatandaan na inamin ni Paul sa GMA News na nanligaw umano siya sa aktres pagkatapos nilang magkatrabaho sa The Lost Recipe ng GTV noong 2021.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo