Mansion ni Toni Fowler Ibinibenta Na Sa Halagang 45 Million!

Miyerkules, Marso 1, 2023

/ by Lovely


Matapos ang mahigit isang taon na paninirahan ng pamilya at team ng Vlogger na si Toni Fowler sa kanilang nabiling mansion na tinawag nilang Toro De Palacio nilisan na nila ito sa kadahilanang malayo umano ito sa pinagtatrabahuan ni Toni.


Subalit namataan ng ilang mga netizens na ibenibenta na pala ito sa halagang 45 Million. 


Sa isang Facebook post, ni Charleine Mae Santos Taruc ibinahagi niya na ibinebenta na ngayon ang bahay at lupa na nakilala bilang “Toro de Palacio” sa Quezon City.


Tila hindi naman ito pinalampas ng mga bashers ng vlogger at pinutakte ang comment section ng nasabing post.


Ipinahayag ng ilan na napakapangit umano ng property at overpriced ang 45 million dahil sa rami ng ipapa renovate rito.


"Parang court of appeal "Court house yarn?"


"Benta nyo sa mayor para gawing City Hall"


"ang boring ng design. parang pinalaki lang para kunwari mayaman tignan pero engrande pa yung mga lumang bahay na spanish style"


"One of the ugliest designs na nakita ko so far in the history of overpriced properties hehe"


Matatandaan na sa isang vlog ni Toni Fowler ipinahayag niyang lilipat sila sa isang condo unit na mas maliit sa kanilang mansion dahil mas malapit umano ito sa kanyang trabaho bilang artista.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo