Maine Mendoza, Tatanggalin Na Sa Noontime Show Na Eat Bulaga!

Biyernes, Marso 3, 2023

/ by Lovely


 Isa ang actress-host na si Maine Mendoza sa pinag-uusapang masisibak na sa noontime show na Eat Bulaga ng GMA7.


Ipinagdiriwang ngayon ng aktres na si Maine Mendoza ang kanyang 28th birthday subalit tila hindi naging masaya ang kanyang mga fans matapos lumabas ang mga haka-hakang kabilang siya sa tatanggalin sa show.


Balak raw kasing ipasok ni Romy Jalosjos, founder ng TAPE Inc,, ang kanyang babaeng anak para palitan si Maine sa Eat Bulaga.


Matatandaan na kabilang na sa mga host sa Eat Bulaga si Maine Mendoza noong 2015, bilang si Yaya Dub kung saan nakaloveteam niya si Alden Richards.


Subalit, tila maari na itong matapos dahil sa nangyayari umanong internal conflict sa Eat Bulaga. Maging ang mga main host na sina Vic Sotto, Tito Sotto at Joey De Leon ay ipapatanggal na rin.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo