Lolit Solis Napansin Na Hindi Maayos Ang Fake Eyelashes Ni Bianca Umali!

Miyerkules, Marso 15, 2023

/ by Lovely


Ibinahagi ng talent manager na si Lolit Solis sa kanyang Instagram post, ang kanyang saloobin sa tandem nina Ruru Madrid at ng real life girlfriend na si Bianca Umali.


Pinuro ni Manay Lolit Solis ang dalawa at sinabing bagay na bagay talaga sa isa't-isa.


"Bagay na bagay sila sa isa't isa. Physically talagang tugma ang combination nila. Maganda din batuhan nila ng dialogues kaya swak na swak," ani Lolit.


Gayunpaman, nagbigay ng isang puna at payo si Manay Lolit Solis hinggil sa fake eyelashes ni Bianca Umali. Ayon kay Manay, dapat ayusin ni Bianca ang paglalagay nito dahil napakadistracting tingnan habang siya ay umaarte.


"Meron lang akong advice kay Bianca, dapat ayusin niya minsan ang false eyelashes niya dahil distracting ito kung minsan sa acting niya. Sobra sa haba kaya kitang kita mo na false eyelashes ito," pahayag ni Manay.


Ipinunto rin ni Manay Lolit Solis na maganda si Bianca Umali lalo na ang kanyang mga mata kaya hindi na umano nito kailangan ng false eyelashes.


"Ang ganda ng mga mata ni Bianca na hindi na kailangan ang enhancement. Isa siya sa pinaka maganda ngayon artista, plus mahusay pang umarte kaya naman bet ko na tiyak na magiging isa siyang big star," paglilinaw pa ni Lolit Solis.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo