Liza Soberano, Naglabas Ng Resibo, Patungkol Sa Pelikulang Hello, Love, Goodbye

Martes, Marso 7, 2023

/ by Jerome


 Marami nga ang nagulat sa rebelasyon ng actress na si Liza Soberano, matapos nga nitong ihayag na dapat daw ay sila  ng boyfriend niyang si Enrique Gil ang gagawa ng movie na "Hello Love Goodbye."


Sila nga daw ang unang inoferan ng pelikulang iyun, ngunit dahil sa busy pa nga daw si Liza sa serye nila noon na Bagani, kaya sa iba nalang ini offer ulit ang nasabing proyekto o pelikula.


Subalit marami naman sa mga basher ng actress ang tila hindi naniniwala sa rebilasyong ito ni Liza, kaya naman naglabas ng resibo ang mga supporter ni Liza.


Inilabas nga nila ang interview ni Tony Gonzaga, kay Olivia Lamasan sa Toni Talks sa YouTube channel ng actress TV host kung saan ay nagkuwento ang film director tungkol sa nasabing movie.


Mismong si Direk Olivia ang nagsabing dapat nga raw ay sa LizQuen ang project na iyun, pero busy daw si Liza sa Darna noong mga panahong iyun.


Dadag pa ng director na naisip lang niya ang idea na pagbidahan ito ng Kathneil, pero sa meeting daw nila ng creative team ay na buo na daw nila ang Kathryn at Alden's tanthem.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo