Kris Bernal Ibinahagi Ang Weird Na Pinaglilihian!

Lunes, Marso 13, 2023

/ by Lovely


 Ibinahagi ng aktres na si Kris Bernal ang kanyang weird na paglilihi.


Kasalukuyang nasa first trimester ng kanyang pagbubuntis si Kris Bernal kaya naman nararanasan ngayon ng aktres ang paglilihi.


Subalit ayon kay Kris Bernal hindi pagkain ang kanyang pinaglilihian, kundi ang NBA star Luka Doncic.


Nawiwirduhan umano si Kris dahil hindi naman siya mahilig sa basketba'l pero bigla-bigla ay bet niyang manood ng mga laro ng Dallas Mavericks.


Dahil labis niyang iniidolo Luka Doncic, isusunod niya rito ang pangalan ng kanilang baby ni Perry Choi.


“Naglilihi kasi ako sa basketball. So weird. Nood ako nang nood ng NBA. Wala kong pinapahinga basta ‘yung favorite team ko… Mavericks ako eh. Sobrang idol ko si Luka,” pagbabahagi ni Kris.


“Pero ‘yun nga, it’s so weird talaga, na parang I never got interested naman sa basketball pero ngayon talagang ako pa nagsasabi sa kanya ganitong oras ‘yung game… Sobrang weird,” dagdag niya.


Maliban sa basketball star, sinabi ni Kris na pinaglihian din niya ang kanyang asawang si Perry.


Sa pagkain naman kinahihiligan umano ngayon ni Kris Bernal ang pagkain ng maasim.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo