Janine Gutierrez at Paulo Avelino, Wala Pang Balak

Martes, Marso 14, 2023

/ by Jerome

 

Naging masaya sina Janine Gutierrez at Diego Gutierrez sa pagsasama sa the right one ng mga magulang nilang sina Ramon Christopher at Lotlot De Leon.


Ayon sa actor na si Ramon Christopher na may naririnig daw siyang tuksuhan na nagaganap sa mga anak nila ni Lotlot De Leon.


Tuwang-tuwa nga ang kanilang mga anak sa pagsasama nila, sabi pa nga daw ni Janine sa amang si Ramon Christopher na magfocus lang sa script nito, baka daw kasi kabahan siya sa mga scene nila.


Pero ayon naman sa aktor na wala naman daw siyang kabang nararamdaman, dahil feeling lang daw niya na parang gumagawa lang sila ng pelikula sa Regal Film.


Hindi naman naka-iwas ang actor ng tanungin tungkol sa anak na si Janine at sa napapabalitang boyfriend nito na si Paulo Avelino.


Ayon sa kanya ay wala daw siyang masabi, pabor daw siya sa kung sino man ang gusto ng kanyang anak, kung sino man daw iyon ay ok sa kanya.


Nang tanungin naman siya kung ano ang pagkakakilala niya sa actor na si Paulo, sagot niya, "Para sa akin mabait siya, sa pagkakakilala lo sa kanya mabait siya, very tahimik lang very private."


Sa katanungan naman na kung may plano na bang mag-asawa ang kanyang anak na si Janine sagot niya, "Yon ang hindi ko alam."


Sa ngayon ay mukhang wala pa naman talagang plano ang actress na mag-asawa lalo na at talagang napaka busy nito sa kanyang showbiz career.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo