Janice De Belen at Vanessa Del Bianco Dawit Sa Panghuhugot ng Asawa Ni John Estrada!

Miyerkules, Marso 29, 2023

/ by Lovely


Lumilikha ngayon ng ingay sa social media ang sunod-sunod na makahulugang Instagram stories ng misis ng aktor na si John Estrada, na si Priscilla Meirelles.


Napansin ng mga netizen na tila parinig umano ito ni Priscilla tungkol sa “cheaters” at “married men/women.”


“Married men/women who chase single boys/girls are seriously so pathetic!” unang Instagram story ng asawa ng aktor.


Sunod-sunod pa ang mga naging banat nito na pinaghinalaan na ng mga netizens na tila ba'y may pinagdadaanan ito ngayon.


“What to call a female that entertains married man?”


“Guys, close your eyes. Imagine you have a daughter. Imagine she is dating a guy like you. Did you smile? No. Then change.”


Dahil sa mga hugot na ito ni Priscilla marami ang naniniwalang may pinaparinggan ito online kahit pa wala itong binibigay ng karagdagang detalye o pangalang tinutukoy.


Samantala may ilang mga netizens na idinadawit na ngayon ang mga pangalan nina Janice De Belen at Vanessa Del Bianco na dating na link ka John Estrada noon.


Matatandaan na ikinasal noon sina John Estrada at Janice De Belen subalit ipinawalang bisa nila ito sa pamamagitan ng annulment noong 2004.


Pinakasalan naman ng aktor ang Brazilian beauty queen na si Priscilla noong 2011.


Nalink din noon kay John ay ang dating aktres-TV host-model na si Vanessa Del Bianco na nakasama niya sa noontime show noon na “Magandang Tanghali Bayan” o MTB.


Noong 2006 naman, inamin ni John na maayos silang naghiwalay ni Vanessa. So, matagal nang wala sina John kina Janice at Vanessa nang pumasok si Priscilla sa eksena.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo