James Reid at Issa Pressman, Inamin Na Ang Kanilang Relasyon!

Biyernes, Marso 17, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang social media platforms ang tila pag-amin na umano nina James Reid at Issa Pressman sa kanilang relasyon.


Namataan na magkasama sina James Reid at Issa Pressman na nanood ng concert ni Harry Styles kamakailan.


Agad ding naging mainit na usapin ang ibinahaging post ni Issa kung saan makikitang tila magka-holding hands sila ni James.


Maging ang aktor-performer na si James Reid ay nagbahagi rin ng isang video kung saan kumpirmado magkasama nga sila.


Matatandaan na unang naiugnay ang dalawa ng pumutok ang balitang hiwalayan nina James at dating nobya nitong si Nadine Lustre.


Ilang beses na rin silang namataan na magkasama, subalit hindi naman nilinaw ng dalawa ang kanilang totoong relasyon.


Sa pagbabahagi nila ng kanilang mga larawan na magkasama at tila sweet pa sa isa't-isa, tila inaamin na rin nila ang kanilang relasyon.


Kaya naman tanong ng ilang mga JaDine totoo kaya ang isyung si Issa Pressman ang dahilan ng paghihiwalay nina James Reid at Nadine Lustre?




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo