Hindi Nakapagpigil! Edu Manzano Nagsalita Na Tungkol Sa Scam Issue Ni Luis Manzano

Lunes, Marso 6, 2023

/ by Jerome

 

Edu Manzano nagsalita na tungkol sa investment scam issue na kinakasangkotan ng anak na si Luis Manzano.


Ramdam nga ng lahat ang ipinakitang suporta ng beteranang actress na si Vilma Santos sa kanyang anak na si Luis, ito ay kaugnay sa issue na kinakaharap ngayon na may kinalaman sa scam issue ng isang fuel company na kinabibilangan ng TV host actor na si Luis Manzano.


Bilang isang ina alam ni Vilma na talagang kailangan na kailangan siya ngayon ng kanyang anak na si  Luis, lalo na at hindi madali ang kinakaharap nito ngayon.


Samantala sa tagal ng pananahimik at hindi pagparamdam sa publiko ay hindi rin daw maipagkakaila na bilang ama Daw ni Luis ay buong suporta din ang ibinigay ni Edu sa kanyang anak na si Luis.


Dahil nga sa ilang mga komento ng mga netizens na nagtatanong kung bakit daw hindi parin daw nagpaparamdam si Edu Manzano sa kabila ng issue na kinakaharap ngayon ng anak.


Kaya hindi na nga nakapagpigil pa si Edu Manzano at binasag na ang kanyang pananahimik tungkol sa issue ng anak.  


Ayon nga daw mismo kay Edu na, ang kanyang anak na si Luis ay nasa hustong gulang na at lumaki itong matatag na tao at haharapin daw nito ng patas kung anu man ang mga ibinabato sa kanya.


Tiwala din si Edu Manzano na kung ano man daw ang kinakaharap ng anak ay siguradong malalampasan daw niya ito.


Dahil ganon daw niya pinalaki ang kanyang anak na si Luis Manza no ang maging matapang at matatag sa kahit anu mang pagsubok.




 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo